Una sa Balita

LPA namataan sa Mountain Province

By
0 102

Patuloy nang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang panibagong namumuong sama ng panahon o Low Pressure Area (LPA).

Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa bisinidad ng Natonin, Mountain Province.

Dahil sa nasabing weather system, asahan na umano ang maulap na panahon na may paminsan-minsang pag-ulan na may kasamang thunderstorm sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), gayundin sa Cagayan Valley at Aurora.

Ang iba pang bahagi ng bansa ay posibleng maapektuhan din ng thunderstorms at mga pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.

Sinabi pa ng PAGASA na maaaring maging katamtaman hanggang sa masungit ang karagatan sa Katimugang Luzon, Visayas, at Mindanao. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy