Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LPA naispatan sa Surigao

0 163

Makararanas ng maulap at kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog ang malawak na bahagi ng bansa dahil sa patuloy na pagkilos ng namataang low pressure area (LPA) o sama ng panahon malapit sa Mindanao.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), namataan ang binabantayang LPA sa layong 195 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Sinabi ni weather specialist Benizon Estareja na maliit ang tsansang mabuo ito para maging isang ganap na bagyo pero inaasahang magreresulta ng malalakas hanggang banayad na pag-ulan ang pagtawid nito sa bansa sa susunod na dalawang araw.

Aniya, maaari itong magdulot ng flashfloods at landslides sa Visayas, Calabarzon region, Caraga at Bicol gayundin sa Marinduque at Romblon.

Samantala, makararanas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog ang Metro Manila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.