Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LPA naispatan sa Surigao del Sur

0 81

Patuloy na makakaranas ng pag-ulan sa susunod pang mga oras ang buong bahagi ng Mindanao at silangang bahagi ng Visayas bunsod ng namumuong sama ng panahon o low pressure area sa silangan-timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ayon kay Ezra Bulquerin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang LPA sa layong 180 kilometro sa nasabing lugar.

Nagbanta rin ang Pagasa sa posibleng pagbaha at landslides sa nasabing mga lugar dahil sa dala nitong bahagya hanggang malalakas na pag-ulan.

Mananatili naman ang mainit na lagay ng panahon sa Luzon kabilang ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.