Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LPA naispatan sa Surigao del Sur

0 125

Isang low pressure area (LPA) o sama ng panahon ang namataan sa Surigao del Sur at inaasahang magpapaulan sa Visayas at Mindanao sa loob ng susunod na mga araw.Kasabay nito’y pinag-iingat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang mga residente sa paligid ng lugar dahil sa mararanasang pag-ulan sa Visayas at Mindanao na maaaring magdulot ng flash floods at mga landslide.

Samantala, sinabi ng Pagasa na bunsod naman ng southwest monsoon o hanging habagat ang dahilan ng nararanasang pag-ulan sa Luzon, partikular sa hapon at gabi.

Hindi umano ito sanhi ng bagong bagyo kaya walang nakataas na warning signal saanmang panig ng bansa. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.