Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LPA naispatan sa Samar

0 41

Isang low pressure area ang namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Borongan City, Eastern Samar.

Ito ay nakapaloob sa intertropical convergence zone (ITCZ) at kasalukuyan pang nasa karagatan.

Patuloy namang makakaranas ang bansa ng kalat-kalat na pag ulan lalo sa umaga at hapon dahil sa aktibong hanging habagat at ITCZ, ayon sa Pagasa.

SM food to go Banner Ad

Nagbabala ang Pagasa na dahil sa umiiral na weather system ay makakaranas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-uulan sa loob ng susunod na 24 oras ang Zambales, Palawan, Oriental Mindoro at Occidental Mindoro.

Ang ITCZ naman ang iiral sa Biliran, Leyte, Northern Samar, Eastern Samar, Southern Leyte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.