Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LPA naispatan sa Eastern Samar

0 43

MakaRAranas ng kalat-kalat na pag-uulan ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa Low Pressure Area (LPA) na namataan sa Borongan City, Eastern Samar, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ani weather specialist Samuel Duran, maliit ang tisansang maging bagyo ang namataang sama ng panahon pero magdadala ito ng pag-ulan sa Bicol region, Quezon, Aurora, Isabela at Northern Samar.

Makararanas din ng mga pag-ulan partikular sa hapon at gabi ang Metro Manila dahil naman sa easterlies at localized thunderstorms.

Nagbabala rin ang Pagasa na maaaring magkaroon ng pagbaha at landslide dulot ng mga pag-ulan na sanhi ng LPA lalo kung magkakaroon ng biglaang pagbuhos ng malakas na ulan na may kasamang kulog, kidlat at malakas na hangin. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.