Una sa Balita

LPA nagbabanta sa Visayas

By
0 4

Isa na namang namumuong sama ng panahon o Low Pressure Area (LPA) ang namataan sa bahagi ng Samar at nagbabantang magdulot ng mga pag-ulan sa ilang lugar sa bansa.

Huling na-monitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong alas-10:00 ng umaga ang LPA sa layong 240 kilometro ng bayan ng Catarman, Northern Samar.

Ayon sa PAGASA, posibleng maging bagyo ang LPA sa susunod na 36 hanggang 48 oras.

Ang nasabing weather system ay magdadala ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malakas na pag-ulan na may kasamang thunderstorms na posibleng magdulot ng mga biglaang pagbaha sa Samar provinces, Western Visayas at Northern Palawan.

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na may kasamang thunderstorm ang maaaring maranasan sa Bicol Region, Mindanao at nalalabing bahagi ng Visayas.