Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LPA nagbabanta sa Mindanao

0 167

Namimiligrong maging tropical cyclone ang namataang low pressure area (LPA) sa Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration o PAGASA.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, na ang LPA ay nasa loob pa ng intertropical convergence zone (ITCZ) at nasa 1,960 kilometrong silangan ng Mindanao kung saan posible aniyang manalasa ito bukas.

“Itong LPA ay may posibilidad na maging bagyo. Maaaring pumasok ang LPA bukas o sa Miyerkules,” saad nito kahapon.

Sa ngayon ay patuloy na nararanasan sa bansa ang shear line at ITCZ.

Leave A Reply

Your email address will not be published.