LPA na tatawaging bagyong Paeng, tatama sa Batanes
By Tina MendozaSABADO nang gabi o Linggo nang umaga inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan na nasa Northern Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Atronomical Services Administration (Pagasa), sa loob ng 24 hanggang 48 oras ay magiging bagyo ang LPA at papangalanang bagyong Paeng
Sa ngayon ay malayo pa sa PAR ang LPA at wala pang direktang epekto sa bansa, sakaling maging bagyo ay tatama ito sa Batanes.
Related Posts
“Dahil medyo malayo pa ito so malaki pa ang uncertainty natin, puwedeng maapektuhan ang extreme Northern Luzon. ‘Yung Batanes and Babuyan Group of Islands and probably ‘yung northern tip ng Northern Luzon,” paliwanag ni weather forecaster Lorie dela Cruz.
Kung hindi magbabago ang direksyon ay inaasahang hindi magla-landfall ang bagyo at lalabas din ng PAR at tatahakin ang direksyon patungong Taiwan.