Una sa Balita

Lowry tinabla ang Raptors sa Bucks

0 196

UMISKOR si Kyle Lowry ng 25, nagdagdag ng 19 si Kawhi Leonard at nilampaso ng Toronto Raptors ang Milwaukee Bucks 120-102 Martes ng gabi para ibuhol ang Eastern Conference finals sa tigalawang laro.

Maangas na 17 points at 13 rebounds ang kontribusyon ni Serge Ibaka sa Raptors, may 18 din si reserve Norm Powell. Umayuda si Marc Gasol ng 17 points at team-high 7 assists.

Babalik ng Milwaukee ang series, basagan ang magkatunggali sa Game 5 sa Biyernes (araw sa Manila).

Nanguna ang 30 points ni Khris Middleton sa top-seeded Bucks, tumapos ng 25 points at 10 rebounds si Giannis Antetokounmpo.

Inumpisahan ng Toronto ang fourth quarter sa 94-81 lead, inilayo sa bisa ng 10-3 spurt pito rito mula kay Fren VanVleet. Sa fast break layup ni Powell ay bumuka sa 104-84.

Sa first three games ay 16 of 20 sa field si VanVleet, kumana ng 5 of 6 sa Game 4 at pasok ang tatlong 3s tungo sa 13 points.

Sablay ang unang apat na tira sa laro ni Leonard, pero nagtuhog ng 12 points sa first quarter si Lowry. Inumpisahan ng Raptors ang second period sa 9-0 run na tinapos ng dunk ni Ibaka tungo sa 41-31 lead.

Nilista ni Lowry ang 12 sa first 17 points ng Toronto sa opening period, tumapos ng perpektong 10 of 10 sa free throw line. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy