Una sa Balita

Lowry, Raptors sabik sa playoffs

By
0 2,105

PAGKATAPOS ng mga laro nitong Miyerkoles (Huwebes sa ‘Pinas), nakumpleto na ang cast ng first round ng playoffs sa NBA.

Siklab ang postseason ngayong weekend.

Payanig ang finale ng regular season – overtime game ng Minnesota at Denver para desisyunan ang last berth, OT pa ulit sa pagitan ng Miami at Toronto para makumpleto ang East seedings, 46-point first quarter ng Philadelphia, at 20-rebound, 19-assist game ni Russell ­Westbrook.

Nagtagpo sa huling tatlong NBA Finals ang Golden State at Cleveland, pero mukhang hindi sila ang mga paborito ngayon. Walang garantiya kung sila muli ang magkikita sa championship.

Uumpisahan sa Abril 14 (Abril 15 sa Pilipinas) ang 16-team tournament na tatagal nang dalawang buwan pagkatapos ng anim na buwang girian sa regular season.

“I feel pretty ready,” giit ni Toronto guard Kyle Lowry. “We’re ready to go.”

Ang East pairings: Lowry at top-seeded Raptors kontra No. 8 Washington; No. 2 Boston vs. No. 7 Milwaukee; No. 3 Philadelphia vs. No. 6 Miami; at si LeBron James at No. 4 Cleveland vs. No. 5 Indiana.

Pinakamainit na bibiyahe sa playoffs ang 76ers na may 16-game winning streak.

“Take a deep breath, then reload,” paalala ni Sixers coach Brett Brown.

Sa West: No. 1 Houston vs. No. 8 Minnesota; No. 2 Golden State vs. No. 7 San Antonio; No. 3 Portland vs. No. 6 New Orleans; at No. 4 Oklahoma City vs. No. 5 Utah.

Sa OT, tinalo ng Timberwolves ang Nuggets, 112-106, sa unang win-and-get-in, lose-and-go-home regular season finale ng NBA sa nakalipas na 21 years. Mula 2004, ngayon lang ulit nakabalik sa postseason ang Wolves.

Rematch ng nakaraang taon ang Cavaliers-Pacers at Celtics-Wizards. Winalis ng Cleveland ang Indiana, umabot sa pitong laro bago sinipa ng Boston ang Washington sa semifinals.

Pinakamaangas dito ang muling pagtatagpo ng Golden State at San Antonio.

Nagharap sa West finals noong nakaraang season ang dalawa, abante ng 23 ang Spurs nang mawala sa third quarter si Kawhi Leonard dahil sa leg injury. Hindi na nakabalik si Leonard, naka-siyam na laro lang ngayong ­season. ()