Una sa Balita

Lowry, Gasol aakuin ang pwesto ni Kawhi

0 273

ONE-AND-DONE si Kawhi Leonard sa Toronto, pagkatapos ihatid ang Raptors sa NBA title noong nakaraang season ay tumalon na agad sa Los Angeles Clippers.

Uumpisahan ng Raptors ang title defense sa opening day ng 2019-20 season laban sa New Orleans Pelicans.

Tinapos ng Toronto ang nakaraang season sa 58 wins, 24 losses, second-best sa NBA sa likod ng 60-22 ng Milwaukee Bucks. Kinaldag ng Raptors ang Bucks sa East finals bago nagtuloy para sipain sa trono ang back-to-back champion Golden State sa anim na laro.

Sa pang-24 na season sa liga, kampeon ang Toronto.

Pero hindi na kasing-angas ng 2018-19 team ang roster ni coach Nick Nurse ngayon dahil sa pagkawala ni Leonard, sinundan ni Danny Green na lumipat na rin sa Lakers.

Naiwan si Kyle Lowry na magiging main facilitator ng title defense, kasama si Marc Gasol na katatapos lang din mag-champion sa FIBA World Cup para sa Spain.

Mautak si Gasol, mahusay bumasa ng galawan sa court kaya naiiba ang takbo ng depensa ng kalaban.

Pinapirma ng team si guard Isaiah Taylor kahapon lang.

Sabihin pa, ibang-iba na ang magiging opensa ng Raptors ngayong taon, mas malamang na sesentro kay Pascal Siakam na magsisimula kay Lowry.

Aasa silang magiging consistent si Fred VanVleet para gabi-gabing may threat mula sa 3-point range.

Bukod kay Gasol, may veteran presence pa rin ang Raptors kay 6-foot-10 forward Serge Ibaka.

Nawala ang pangunahing kamador kay Kawhi, lalaban ang Toronto para hindi rin maging one-and-done sa East. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy