Una sa Balita

Low sex drive

By
0 476

Dear Dra Holmes:
I am ‘kristy, 48 y.o. married to a 50 y.o. man, 27 years married, with 2 sons and 1 daughter who are already professionals.

Ilang beses ko na pong nadakip na may ka flirt ang asawa ko, one time nadakip ko sila sa motel, pero pinapatawad ko pa rin sya para sa mga anak namin. Nakikita ko rin na gusto nyang magbago, even attending Christians fellowship and being baptized. Tapos nahuli ko siya uli na may kasamang ibang babae.

Pero dahil sa mga ginawa nya parang nawalan na ako ng tiwala at pagmamahal sa kanya

Dra. we are totally opposite when it comes to sex because at the age of 36 naing early menopausal po ako. Wala na po akong gana sa kama plus with my age pa, hanggang once a wk lang ang kaya ko, at sya naman ay halos araw araw gusto nya..plus pa na talagang wala na akong gana sa kanya, hindi na ako malambing dahil nawalan na ako ng tiwala at pagmamahal sa kanya.

Related Posts

ginagawa ko rin ang dapat kong gawin bilang isang asawa pero minsan nakakapagod na..siguro kung may pagmamahal pa ako at tiwala madali lang gawin ang dapat gawin ng isang asawa sa kanyang mister, kaya lang wala na..minsan pinipilit ko na lang. I suggested a separation pero ayaw nya..ano po ba ang dapat kung gawin dra..pls help

Dear Mrs. Kristy:
Marami pong salamat sa sulat ninyo. Sana po huwag kayong ma-guilty sa inyong damdamin tungkol sa asawa ninyo: na hindi niyo na siya mahal dahil sa mga ginawa niya sa inyo.

Marami pong mga babae ay may ganyang reaksyon kapag nalaman nila ang kalokohan na ginagawa ng asawa nila, pero kagaya mo, ginagawa nila ang lahat para mapatawad siya, para sa pamilya at para sa mga anak ninyo.

Bago ko po ipagpatuloy ang aking sagot bukas, gusto ko lang sana malaman: kaya po ba talaga iwanan siya? Kaya po ba ninyo ito hindi lang sa emosyon pero sa larangan din po ng pera? Sana po patawarin ninyo ang aking mga tanong, pero kailangan po nating harapin ang inyong hinaharap kung maghiwalay po kayo, at bago po natin madesidido ito, kailangan malaman ko rin ang kaya ninyo sa buhay. TO BE CONTINUED.

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr. Margarita Holmes
http://www.facebook.com/drmargieholmes Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy