Una sa Balita

Low pressure area, namataan sa Batanes

By
0 3

Binabantayan ngayon ang isang Low Pressure Area (LPA) matapos itong mamataan sa silangang bahagi ng Batanes.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang sama ng panahon sa 300 kilometro sa silangan ng bayan ng Basco sa Batanes.

Nakapaloob umano ang naturang LPA sa tinatawag na ‘frontal system’ na nakakaapekto naman sa hilagang Luzon.

Dahil dito, makakaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera at Gitnang Luzon.

Habang pulu-pulong pag-ulan at pagkulog-pagkidlat naman ang iiral sa buong Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Gayunpaman, mababa naman umano ang tsansa na maging bagyo ang naturang LPA at posibleng lumabas rin agad ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nga­yong araw.