Una sa Balita

Lovi tumodo na sa paghuhubad

0 558

Ngayong araw na ito ang showing sa mga sinehan ng “Hindi Tayo Pwede,” ang pelikulang pinagbibidahan ni Lovi Poe with Joseph Marco and Tony Labrusca.

Marami na ngang sexy film si Lovi in the past, pero kung sabihin, pinaka-todo raw ngayon at si Lovi mismo aminado na sobrang espesyal sa kanya mg movie.

Sobrang attached nga raw siya sa movie na dinirek ni Joel Lamangan.
“I’ve done a lot of movies about falling-out-of-love, about someone ended up falling-out with someone else, having an affair.

“This is the movie about mo­ving forward. It’s about moving forward because it’s beyond your control. Parang may mga bagay na hindi na natin kontrolado kasi, that what makes it, kaya siya nasasabihan na hindi tayo puwede. Hindi na natin kontrolado ang situwasyon.”

Sabi pa niya, “When we fall-out-of-love kasi, I feel that’s the choice that we make, e.”

Sa tunay na buhay, mas madalas na kontrolado raw niya ang situwasyon o relasyon niya.

“I feel like na most of the situation na napasok ko, kontrolado ko. It’s just that, I made a choice. Kaya nong ginagawa ko itong movie na ‘to, iba ang pain na nararamdaman ko watching it, doing it, I was in so much pain.

“‘Yong motivation ko during the scene, babanggitin ko after kapag napanood ninyo na ‘to.”

Halatang takot si Lovi kung sakali at magkaroon siya ng relasyon na hindi na niya controlled.

Ayoko! Knock-on-wood. Hahaha!”

Sey pa niya, “Of course, that’s why love is such a scary thing especially if it’s true. I mean, there’s a different about feeling excited and exci­ted and scared.

“Sometimes you’re just excited about something. When you’re scared about something, then you know, it’s a different kind of thing.”

May boyfriend si Lovi ngayon, ang British Movie producer/medical scientist na si Montgo­mery Blancowe. Eh, pansin nga namin na parang this time, open si Lovi about marriage na dati, parang apprehensive siya sa idea.

Nangiti ito at nasabi na lang na, “Well, siyempre, we’re always praying naman na the relationship goes well, ‘di ba? This time, I guess, I’m just praying for the best.”

Nora sa Summer Filmfest hindi nilakad ni Bistek

“Lahat naman may dahilan,” ang nakangiting nasabi ni Harlene Bautista, isa sa producer ng “Isa Pang Bahaghari” ng Heaven’s Best Entertainment.

Inisnab na ang pelikulang ito ng Superstar na si Nora Aunor noong Christmas’ Metro Manila Film Festival pero heto ngayon at mukhang isa ang movie sa puwedeng maging malakas both in awards and hopefully in box-office rin for the 1st Metro Manila Summer Film Festival.

Blessing in disguise na nga raw ang nangyari dahil ngayon, part pa sila ng history sa kauna-unahang summer MMFF.

“I always believe na kapag may ganon, may mas magandang plano, ‘di ba? So, ‘eto na nga. At nakaka-proud dahil nasali kami sa 1stSummer Metro Manila Film Festival.

“Plus, dito pa sa Quezon City ang host city kung saan si Kuya (Herbert Bautista) na­ging mayor ng mahabang panahon.”

Timing din naman na hindi na si Herbert ang nakaupong Mayor. At least, ‘di sila puwedeng sabihan na luto o nilakad kaya nakapasok at sakali man may mga awards na matanggap.

“Ay oo nga, maganda naman ‘yon. Wala silang masasabi na luto or nilakad, ‘yong ganyan,” sey niya.

Ang Isa Pang Bahaghari ay makikipag-compete sa pito pang pelikula, ang “A Hard Day,” “Tagpuan,” “Love The Way U Lie,” “Love or Money,” “Coming Home,” “Ngayon Kaya,” at ang nag-iisang horror film, ang “The Missing.”

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More