Una sa Balita

Lovi tinangkang sulutin ng ABS-CBN

By
0 1,540

Isa pa sa nag-renew ng contract sa GMA 7 ay si Lovi Poe na nabalitaan namin na gusto raw kunin ng ABS-CBN 2.

Pero dati, may chika kaming narinig na ang aktres daw ang may bet na lumipat sa Kapamilya network nu’ng kasabay ng issue noon ni Aljur Abrenica with GMA na nagpahiwatig daw siya noon na gusto rin niyang mangibang bakod.

Anyway, kung ano man ang totoo sa kung gusto ba talagang mag-transfer noon ni Lovi sa ABS-CBN o hindi, o gusto ba siya talagang kunin ngayon ng Dos o hindi, ang maha­laga ay nakapagdesisyon ang ak­tres na manatili sa kanyang home network, ang GMA, na sa tingin niya ay tama.

At bakit naman hindi siya pipirma ulit sa Kapuso network kung isa na siya sa mga important star nila, habang sa Kapa­milya network ay ma­rami pa siyang makakakompetensya kung sakaling lilipat siya, at siyempre, higit sa lahat, ang halaga raw ngayon ng ilang taong kontrata ni Lovi ay tumataginting daw na nine (9) digits? Sholbog niya silang lahat kung totoo mang milyon-milyon na parang tumama sa lotto na hindi napanalunan ng ilang draw ang worth ng contract niya!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy