Una sa Balita

Lovi tikom ang bibig sa dyowang Hollywood produ

0 428

abante-i-know-better-jun-nardoNakabalik na ng bansa si Lovi Poe matapos ang anim na buwang bakasyon. Sa interview kay Lovi, sinabi niyang nag-aral siya ng acting sa United Kingdom.

Natanong din siya sa naka-date niyang foreigner na isang producer sa isang premiere night na Clint ang pangalan.’Yun nga lang, gusto raw niyang ma-ging private ang samahan nila.

Ngayong nandito na si Lovi, isang music album ang pinaghahandaan niyang gawin at sa July 14 ay magsasama sila ni Dennis Trillo para sa isang show.

Matteo, Dennis movie pang-finale sa Cinemalaya

Napiling closing film ng Cinemalaya 2019 ang pelikulang Mina-Anud na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Jerald Napoles at Matteo Guidicelli.

Ipalalabas ito sa August 10, 9PM sa CCP Main Theater (Tanghalang Nicanor Abelardo) habang sa August 21 ang showing nito sa commercial cinemas.
Mula ito sa direksyon ni Kerwin Go mula sa Rega Entertainment at Epicmedia. Inspired ito ng true events.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy