Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lovi sobrang sosyal, ginastusan ng produ sa US

0 84

Naku, Dondon (my dear editor), parang ang daming mga taga-showbiz na nandito ngayon sa Los Angeles, California, huh!

Si Lovi Poe, nandito pa rin, at ayon sa stylist-friend ko na si Nikko Panti, may pictorial sila last Tuesday (madaling araw na kahapon sa Philippines).

Para raw sa recording ni Lovi ang pictorial na ‘yon.

Si Nikko ang stylist, kaya ang bongga ng mga pinull-out niyang clothes and shoes for Lovi. Signature brands talaga!

Sabi ni Nikko, excited siya para sa nasabing pictorial dahil talagang ginastusan ‘yon ng producer ng album ni Lovi. Parang exciting tuloy na makita kaagad ang mga picture ng singer-actress.

I’ll ask Lovi nga to show me her new pictorial kapag nagkita na kami somewhere in Beverly Hills.

Shawie inabangan ng mga Pinoy sa Tate

Tuesday night naman umalis ng Philippines si Sharon Cuneta.

Nandito na ngayon ang Megastar at kasama niya ang dalawang miyembro ng Team Sharon na sina Anna Melissa Dasig at Peachy Mariano.

SM food to go Banner Ad

Bago umalis si Sharon papunta rito, tinanong ko si Nancy Yang ng Team Sharon kung ano ang gagawin dito ng Megastar, pero hindi pa raw siya sure.

I’m sure, may malaking sorpresa si Sharon sa kanyang mga follower at ipo-post naman niya ‘yon sa kanyang mga social media account.

Ang post lang ni Sharon noong Tuesday night sa kanyang Instagram account (@reallysharoncuneta) ay, “I’m going home. Of course my real home, where my heart is, is where my husband and children are. But tonight I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country, where only my eldest and I are legal residents. I need to breathe, collect myself, gain strength. Love you all and will miss you guys. Please pray for me,@mariano.peachy and @annadasig. God bless you always!”

‘Kaaliw nga pala ang ilang mga fan ni Sharon na tagarito dahil sabi nila sa akin, mag-aabang daw sila sa LAX (Tom Bradley International Airport) para sa pagdating ng Megastar.

Excited daw silang makita si Sharon dahil sumeksi ito.

Ang bongga!

Marissa Sanchez ‘di makabalik ng Pinas

Ang isa pang nandito sa L.A. ay ang comedienne na si Marissa Sanchez.

Nang makapalitan ko ng PM sa Messenger si Marissa, sinabi niya na, “Noong December 20 pa last year ako (nandito). Nagkandaipit-ipit na ‘ko. Hindi ako makauwi. Pero hopefully sa June 1.”

Mukhang ‘yung airline na sinakyan niya papunta ng L.A. ang nagka-cancel palagi ng kanyang flight pabalik sa atin.Naku, ganyan din ang nangyari sa akin. Na-cancel ang flight ko pauwi sana ng Philippines, kaya nag-extend na muna ako rito para makapag-interbyu rin muna for Abante News Online Facebook page!

Leave A Reply

Your email address will not be published.