Una sa Balita

Lovi Poe pinagnasaan ni Benjamin Alves

0 497

Tila tinamaan ng pagnanasa si Benjamin Alves kay Lovi Poe dahil sa sexy shot na pinoste nito sa kanyang Instagram. Nakabalandra sa IG ni Lovi ang larawan niyang nakatuwad sa sofa suot ang isang high-cut white one piece long sleeves leotards na bukas ang likod.

Patagilid ang pagkakakuha ng larawan kay Lovi na nagpalitaw ng kanyang pigi o thigh. Sa sobrang taas ng cut ng suot nya, lantad na lantad ang kaseksihan ni Lovi.

Hindi nakayang maitago ang suot nitong underwear na bahagyang sumungaw sa kanyang harapan.

Nakakapaso sa paningin ng lahat ang larawan ni Lovi na kahit ang kapwa niya sexy na si Sanya Lopez ay naglagay ng fire icon sa comment nito.

Pero iba ang komento ni Benjamin sa nakalantad na alindog ni Lovi. Gusto niyang damitan ang aktres.

“Lovi Magpatalon Poe Kayo…” sabi ni Benjamin.

Natatanging si Benjamin lang ang may ganitong komento, kaya iisiping may kumukulong pagnanasa marahil sa katawan ng aktor kaya gusto nitong pagsuotin ng pantalon si Lovi, na idinaan nya sa biro. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More