Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lovi, Piolo sa ABS-CBN inaabangan

0 67

Dahil sa ‘Home is where his heart is 09-16-2021’ na plug, with pa-hashtag na ‘ForeverKapamilya’ medyo naguluhan ang mga fan kung sino ba kina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz ang magbabalik sa ABS-CBN.

Although matunog naman talaga ang pangalan ni Piolo, na magiging kapareha raw ni Lovi Poe sa gagawin nitong proyekto sa Kapamilya channel, na-confuse ang mga faney, dahil sa ginamit na ‘Home’ sa paandar na ito.

Naisip nilang bigla, baka ibabalik ang ‘Home Sweetie Home’ na bida si John Lloyd noon. Pero teka, di ba nga, noong nawala si John Lloyd sa Dos, si Piolo ang pumalit na bida sa naturang sitcom?

Well, kung babasahin mo ang reaksiyon ng mga fan, ang dami na ngang excited na makitang magkasama sa isang teleserye sina Lovi Poe at Piolo, ha! Bagong tandem, na siguradong magpapabilib sa mga fan.

Anyway, abangan sa Huwebes ang paghaharap!

AJ Raval, Sunshine Guimary pantasya si Andrew E.

Feeling jackpot nga si Andrew E. na nakasama niya sa pelikulang ‘Shoot, Shoot: ‘Di Ko Siya Titigilan’ ang dalawa sa pinakaseksing artista ngayon, sina Sunshine Guimary at AJ Raval.

Bongga nga ni Andrew, na sa halos 30 taon niya sa showbiz, namamayagpag pa rin siya, at bidang-bida pa rin, hindi lang sa pelikula, kundi pati na sa TikTok, dahil ang kanta nga niyang ‘Shoot, Shoot’ ay mabentang-mabenta sa mga kabataan ngayon.

Anyway,  bilib si Andrew sa ganda, kaseksihan ng mga leading lady niya. Nalito nga raw siya noong una niyang makaharap ang dalawa, dahil parehong seksi, maganda, at masarap sa mata.

Aliw na aliw kami sa mga linya ni Andrew tungkol sa kanyang itlog, na baka mabasag, at kung puwedeng ipatong sa kandungan ng babae. Kering-keri talaga ni Andrew ang ganung klase ng komedya.

Sabi ni AJ, matagal na rin niyang gustong makasama sa harap ng kamera si Andrew E., pero sa unang shooting pa lang daw nila ay nabigla siya, dahil napasabak na agad siya sa halikan. Kinabahan, natakot sa simula, pero dahil machika, maalala, maalaga sa set si Andrew, kaya nawala raw lahat ng kaba niya.

Sabi naman ni Sunshine, matagal na niyang pangarap na makasama si Andrew sa pelikula. Bata pa lang siya ay napapanood na niya ang mga pelikula nito, kaya hindi siya makapaniwala na siya naman ang kasama nito sa harap ng kamera.

Anyway, mapapanood ang ‘Shoot, Shoot: Hindi Ko Siya Titigilan’ sa Vivamax.

Leave A Reply

Your email address will not be published.