Una sa Balita

Lovi nangangagat sa lampungan

0 421

Tinawag na ‘Kagat Queen’ si Lovi Poe dahil sa nakakaelya niyang lampungan kay Joem Bascon sa pelikulang “The Annulment”. Palakpakan ang audience sa premiere night sa puwersahang sex nila ni Joem at ilang beses niyang kinagat si Joem sa ilang parte ng katawan niya.

Yes, hindi lang isa o dalawang beses sila naglampungan. Pero magkakaiba ang init na hatid nito. Meron sa shower, sa ibang parte ng bahay at sa kama.

Dalawang beses pa ngang nagpakita ng puwet si Joem habang nakapatong kay Lovi, huh! Pero todo ang palakpakan sa tinatawag na forced sex para mairaos ang init ng kanilang katawan!

Pero hindi lang ang nag-aapoy na love scenes ang atraksyon ng pelikula. Ang galing-galing umarte nina Lovi at Joem lalo na sa mga eksenang nagsusumbatan na sila.

Panalo rin ang direksyon ni Direk Mac Alejandre at kabuuan ng movie – editing, photography, musika at iba pa.

Tutulo ang mga luha ninyo dahil nangyayari talaga ito sa totoong buhay sa isang mag-asawang dumaraan sa problema at gusto nang wakasan ang kasal nila.

Gustong-gusto ng audience ‘yung eksenang nahuli ni Lovi na hinahalikan ni Joem ang kabit niyang si Myrtle Sarroza sa loob ng bahay nila. Tumatagos sa puso ang acting ni Lovi lalo na nang paulanan niya ng sampal si Joem.

Naku, dapat panoorin ng taong gusto nang pakasal at ng mag-asawang nagnanais magpa-annul ng kanilang kasal upang malaman ang prosesong maaaring maging epekto nito habang naghihintay ng desisyon ng korte.

Congratulations kina Lovi, Joem, Direk Mac at sa mga artistang kasama sa “The Annulment”.

Thinking of filing a petition for annulment? Panoorin muna ang “The Annulment”, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy