Una sa Balita

Lovi nangabog sa Vogue Thailand

By
0 85

Nag-landing sa coverage ng Vogue Thailand si Lovi Poe suot ang white gown na ginamit niya sa event ng Omega sa Italy. Sa event na ito nag-face to face sila ng British actor at Oscar Best Actor winner na si Eddie Redmayne.

Can I stay here fur-ever? #FauxFur

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe) on

Sa Twitter at Instagram accounts ng Vogue Thailand inilabas ang photo ni Lovi na kanya namang pinasalamatan.

“Woke up like this!!! Thank you @voguethailand #Omega,” tweet ni Lovi.

Sa isang tweet ng Prime Actress, inilabas niya ang fan girl moments niya kasama si Redmayne.

“I lost my cool.”

Sa moment ni Lovi na ito siya natapilok nang matapakan ang gown papunta kay Redmayne. Tiyak na Cloud Nine pa ang feeling niya once mag-report sa taping ng The One That Got Away ng GMA.

Ate Vi 10 days magpapakaligaya sa Japan

Ten days ang schedule ng pagpapakaligaya ni Congresswoman Vilma Santos-Recto sa Hong Kong. Umalis siya kasama si Senator Ralph Recto, anak na si Ryan Christian, tatlong kapatid at kaibi­gan noong October 27.

Ngayong araw na ito ang birthday ni Ate Vi, November 3. Kasabay nito ang 55th anniversary niya sa showbiz.

Ayon kay Jojo Lim na presidente ng fan club ni Ate Vi na Vilma Santos, wala pa silang napag-usapan ni Cong. Vilma tungkol dito.

Gayunpaman, enjoy your ‘35th’ birthday, Ate Vi!

James at Nadine happiness overload sa Japan

Rampa to the max sa Japan ang lovers na sina James Reid at Nadine Lustre habang suot ang costume na ala-X-Men, huh!

Nakawala nga naman sila sa mundo ng showbiz kaya sigaw, tawa, at parade to the max ang dalawa sa IG stories mula sa Viva Artists Agency na management team nila.

Kasama ng dalawa ang sister ni James na si Lauren. Siya ang malayang nag-post sa IG niya ng pic ng JaDine na nasa isang convenience store na tumitingin ng bibilhan habang naka-costume.

“Ain’t nobody do Halloween like JaDine do Halloween!” caption ni Lauren.

Birthday celebration ni Nadine ang rason ng pagpunta niya sa Japan at para na rin makalimot sa pinagdaanang trahedya sa pamilya.

Joyselle hindi pa tiwalag sa INC

Paumanhin sa mga producers ng movie na Guerrero kaugnay ng lumabas na item namin dito tungkol sa bidang babae na si Joyselle Cabanlong.

Hindi pa tiwalag sa kapatiran ng INC si Joyselle. Si Kathryn Bernardo ang pinatutungkulan namin sa tiwalag na sa Iglesia ni Cristo.

Our apologies…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy