Una sa Balita

Lovi nagpainit ng mga Pinoy sa Canada

By

Bra lang ang suot

0 5,074

Matagumpay ang katatapos na show ng mga Kapuso star na sina Dingdong Dantes, Alden Richards, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Lovi Poe at Betong Sumaya sa Newark, New Jersey noong Linggo ng hapon. At mas bongga rin ang show nila sa Toronto, Canada, ha!

Sa mga post sa IG, ay kitang-kita ang energy ng grupo habang hindi magkamayaw sa galak ang mga kababayan natin doon. Nagkaroon din ng chance ang grupo na makapamasyal sa New York City komo malapit lang sila roon.

Hindi puwedeng hindi nila mapasyalan ang binabalik-balikan ng mga turista doon na Time Square area na isa sa mga famous landmark ng New York City. Kahit malamig ay nag-enjoy sila sa gitna ng Time Square na full of lights at malalaking billboard na nagbibigay liwanag sa lugar.

Immediate-Hiring-Ads

Sa Canada naman, na kahit malamig ang weather ay nag-init ang kalalakihan, ha! Kaloka naman kasi si Lovi, na nag-perform na parang naka-bra na lang.

Makikita nga sa Instagram ng GMA ang mga photo ni Lovi na kumakanta, at bra lang talaga ang suot niya. Well, uso naman ‘yon kahit dito sa Pilipinas, pero masyado ngang malamig sa Canada para magsuot siya ng ganu’n.

Juancho nag-i-enjoy sa piling ni Maine

Mukha namang hin­di iniinda ni Juancho Travinio ang sanction, kung meron man, dahil sa isang pagkakamaling post na ginawa ng kung sino man sa mga kaibigan niya. Sa mga post sa IG ay madalas nakikita ang mga pamamasyal n Juancho sa ibang bansa at dito sa Pilipinas.

Madalas pa silang magkasama ni Maine Mendoza na naging magkabarkada at nabibigyan ng malisya. Pero dedma lang si Juancho at basta enjoy siya sa kanyang ginagawa. Sanay na sila sa mga basher at hindi na nila pinapansin.

Si Alden ay ganu’n din at okay sila ni Maine sa Eat Bulaga. Dedma rin sa mga basher at tuloy ang trabaho nila.

Loyal na artista nilaglag!

Hindi rin pala worth ang pagiging loyal ng isang artista sa kanyang talent management na hindi niya iniwan for so many years. Puwede ka palang ilaglag anytime kung hindi na sila interesado sa’yo kahit nagpapasok ka ng kita sa kanila.

Kaya maging leksyon ito sa mga artista na ma­ging open sa magagandang oportunidad at mas alagaan ang sariling interest.