Una sa Balita

Lovi nag-sunbathing sa EDSA

0 450

Pinapasikat ngayon sa social media si Lovi Poe at ang kanyang mga ‘meme’ na gaya ng kay Dimples Romana mula sa kanyang eksena sa serye nitong “Kadenang Ginto”.

Kung ang kay Dimples ay ang karakter niyang si Daniela Mondragon na may hila-hilang pulang maleta habang naglalakad, ang kay Lovi naman ay ang seksi pictorial nito na na nakahigang patagilid, nakatungkod ang kanyang isang braso sa sahig.

Nakasuot ng hot pants si Lovi at Jacket na punong-puno ng malalaking sequins.

Nakabukas ang butones ng kanyang jacket na nagpalitaw ng kanyang tiyan at gitnang bahagi ng kanyang dibdib. Seksi talaga ang larawan na kuha mula sa video shoot nito sa isang pictorial session.

Ikinakalat na ang nasabing photo sa Twitter account ni Lovi, na nasa ibabaw ng isang bus na nasa gitna ng madugong trapik sa EDSA.

Sey nga ni Lovi sa tweet nya: “Mag-sunbathing muna ako habang trapik.”

May caption ang larawan ni Lovi mula sa isa pang follower na siyang nag-post ng larawan.

@saintvyn, “hoy @LoviPoe jusko bumaba ka dyan sis #Metro30Edsa.”

Asahang papatok ang photo na ito ni Lovi na ngayon pa lang ay pinapatulan na ng ilan na gamitin sa iba’t ibang sitwasyon at lugar.

Pokwang tinawag na siraulo, gago, tanga ang mga basher

Isinagad na ni Pokwang ang pakikipagbanggaan sa lahat ng mga follower na sumawsaw sa unang pakikipagtalakan niya sa isang basher tungkol sa pagpuna sa kanyang brand of comedy at pagtuturo sa kanya kung ano ang dapat at hindi dapat sa pagpapatawa.

Kung manggagaling lang mismo sa bibig ni Pokwang ang mga tweet ng pagsagot niya sa mga basher, parang makikita kung gaano magtaray sa personal ang komedyante.

Bawat comment ng follower niya na hindi maganda sa panlasa ni Pokie, binabanatan ng mga salita ng aktres.

@maurer_ray_12, “the reason I unfollowed you is because of this… unbecoming… nanay k p nman. #patola.”

Sagot ni @pokwang27, “Sorry hindi ako tipo ng artistang mabait lang sa camera! At mas lalong hindi ako santa! Kapag ginalit ako mas galit ako yun lang #realtalklang masaktan ka edi plastic ka! saw saw din gooooww.”

Sumagot uli ang basher na, “Sige, Screenshot kung when kita binash? Palagay mo may reasoning ang mga basher? They just bash for the sake of bashing. Ur just feeding their thirst for attention. Ikaw ang talo. Strong people will just ignore Sabagay I understand kulang ka sa edukasyon.”

Syempre hindi nagpatalo si Pokwang: “Oo kulang ako sa edukasyon kasi maaga ako sumabak sa hanapbuhay para makatulong sa pamilya. Eh ikaw? Sumobra ka sa edukasyon kaya feeling mo ok lang laitin ang mga kagaya ko! Sira ulong to! Ano sasagot pa? Akala ko ba unfollow mo ako?”

Pinatulan ni Pokwang lahat ng kumontra sa kanya.

“Gago anong political pinagsasabi mo dyan? Magbasa ka from the top para may idea ka kung ano pinagmulan para hindi ka magmukhang TANGA!”

Eto pa isa, “Ulol gago..sabi nyo mga artista kami di ba? So dapat behave kami tama? So kanino nagmula ang pangungutya diba kagaya mo? Sawsawero papansin gago ka?”

Bahay nina Dianne, Rodjun 2 taon ginawa

Inuulan ng pagbati ang magkasintahang Dianne Medina at Rodjun Cruz ilang araw bago naganap ang kanilang kasal. Naka-post sa Instagram ng magsing-irog ang isang bagong modern design house na may tatlong palapag.

Sa post ng bawat isa sa larawan ng bahay, ibinalita nilang ito ang magiging love nest nila na bunga ng kanilang pagsisikap na dalawa. Sabi nga ni Dianne sa caption ng photo, dito napunta ang lahat ng mga raket niya at iba pang kinikita sa showbiz.

Inabot din ng halos dalawang taon ang pagpapagawa ng bahay, kasama na ang planning, pagkuha ng permit, design at kung ano-ano pa.

Binabati sina Rodjun at Dianne ng mga follower at kaibigan nila dahil sa galing ng kanilang tandem at paghahanda sa kanilang kinabukasan bilang mag-asawa.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More