Una sa Balita

Lovi nag-alsa balutan na sa GMA 7

0 1,016

abante-anything-goes-jun-lalinAlam mo, Dondon, habang magkatsikahan kami ni Jun Nardo kahapon at hinihintay nga namin si Manay Lolit Solis sa pa-presscon ni Lito Lapid na kumakandidato uli sa pagka-senador, tinanong ako ng tukayo ko tungkol kay Lovi Poe.

“Nasaan na ba si Lovi?” tanong ni Jun sa akin.

Sabi ko naman sa kanya, ang alam ko, ayon na rin sa isa sa mga namamahala ng kanyang career, med­yo matatagalan pa sa Los Angeles, California ang sexy actress/singer.

Mukhang enjoy nga si Lovi sa kanyang bakasyon sa Amerika na ang tsika ay abala siya sa new boyfriend niya, huh!

Pero ang tsika sa akin ng isang malapit sa kanya, may intensive acting workshop daw kasi na kinukuha ngayon si Lovi sa lugar na ‘yon.

Well, mukhang wala namang problema sa GMA 7 kung nakabasyon naman ngayon si Lovi dahil hindi naman siya basta nag-alsa balutan. Ipinagpaalam daw ‘yon ni Lovi last year pa.

What I heard nga, “on hold” muna ang exclusive network contract ni Lovi habang nasa bakasyon siya at kapag babalik na siya ay ipapaalam lang sa kanila para makapaghanda na ng new series for her.

Winwyn, Enzo Graded B sa CEB

Kahapon nagbukas sa mga sinehan ang “Time and Again” nina Winwyn Marquez at Enzo Pineda under Regal Entertainment, Inc. at Graded B sila ng CEB (Cinema Eva-luation Board).

In fairness, maganda ang feedback sa trailer ng pelikula. Si Direk Joey Reyes ang direktor ng pelikula, kaya naman marami ang interesadong manood.

Kahapon nga pala ay ige-guest ko sana sa online show sa Facebook page na Abante News Online si Direk Joey, pero teaching day raw niya.

Kapag Wednesday raw kasi ay hanggang 7:00PM siya nagtuturo, kaya hindi nga siya nakapunta sa Abante office kahapon.

Sabi ni Direk Joey, ayaw niyang iwanan ang pagtuturo kahit pa nga busy pa rin siya as a director and line producer na rin ng kanyang pelikula.

Samantala, masaya si Direk Joey na marami ang sumusuporta sa “Time and Again” movie niya.

Isa nga pala si Direk Joey sa nagsusulong ng panukalang ga­wing Friday na ang opening day ng mga pelikula para siguradong mas marami ang makakapanood at hindi kaagad mapu-pull out sa mga sinehan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy