Una sa Balita

Lovi na-stress sa lampungan kay Marco

0 467

Feel na feel ang happiness sa grupo nina Lovi Poe, Tony Labrusca at Marco Gumabao. Sabi nga ni Direk Joel Lamangan, wala kasing pasaway sa kanilang tatlo, na pare-parehong maaga kung dumating sa shooting ng “Hindi Tayo Puwede”.

At si Lovi, puro papuri rin sa kanyang mga matitikas,­ ­guwapong kapareha.
“Naku ang sarap nilang ­katrabaho!” chika ni Lovi.

“Aside from the fact, na alam naman natin na they’re the ­hottest men in the industry, napakahusay talaga nila. ‘Yung pinakita nilang emotion, mas nag-shine talaga,” dugtong na say niya.

Pero, kumustang kalampungan ang dalawa? Sina Marco at Tony ang pinakapinapantasyang matikman ng karamihang beki, babae ngayon.

“Si Marco as a co-worker, he’s super fun, he’s always been very light. Such a breeze talaga, kasi hindi naman ito ‘yung first time na nagkasama kami sa project. First time sa movie, pero nagkakasama kami samga shoots ang all that.

“Yeah, he just made it easier for me. Maalaga at hindi mahirap ­katrabaho. Sobrang gentleman.

“Ang love scene, that was good. Maalalay siya. Hahahaha!

“Nakaka-stress lang. Si Direk (Joel Lamangan) kasi. Hahahaha!

“Si Direk kasi parang minsan, may mga surprise siya. Of course thankful ako kay Direk. May scene na nagulat ako. May binulong siya kay Marco, na nagulat ako. Hahahaha!” patawa-tawang kuwento ni Lovi.

So, ano ang binulong ni Direk na ginawa ni Marco na ikinagulat ni Lovi?
“Just watch it na lang! Hahahaha!” sagot ni Lovi.

Eh, si Tony kumustang kaeksena?

“Si Tony first time ko siyang nakatrabaho. And the scene that we shot, very typical. Pero naibigay ­naman yung tamang emotions, sa tulong niya. It was ­beautiful also.”

Sa Hindi Tayo Puwede ay bestfriend ni Lovi si ­Marco, at dyowa naman niya si Tony. Pero, pareho ­niyang natikman ang dalawa. Tinuhog niya sila.
“You can put it that way. Hahahaha! It’s a joke.

“It’s a different kind of ­journey. Basta! Hahahaha!” tila ­nahihiyang sey ni Lovi.

Tanong kay Marco, ­kumusta naman si Lovi na katrabaho?

“Matagal na kaming nagkaka-work together­ sa mga campaign shoots. Pero sa ­pag-arte, first time talaga. Pero ­napapanood ko ang mga movies niya noon, at isa siya sa ­pinakamagaling na artista sa showbiz.

“It was such an honor to work with her, sa lahat dito. Sa set ­namin, hindi mo mapi-feel ang pressure, kasi lahat kami nagtutulungan. ­Lahat kami hindi namin ­pinagdadamot ang knowledge sa isa’t isa,” sagot ni Marco.
Kumusta si Lovi, Tony?

“It’s my first time working with Lovi. It’s such a nice experience. The scenes were, sometimes sobrang ­emotional, sobrang heavy. Buti na lang very comfortable kami sa isa’t isa.

“Masaya kami sa cast. Like si Direk masarap kasama sa shooting… ‘Direk I love you,’” pa-cute na chika ni Tony.

‘Di nakaangal kay Direk Joel: Labrusca, Gumabao tumodo sa paghuhubad

Sa kuwentuhan kay Direk Joel, wala nga siyang pangit na masabi sa mga artista niya. Puring-puri niya ang mga ito.

“Ang dami ko nang nagawang pelikula, pero silang tatlo ang lakas ng chemistry, pati na geometry, calculus, algebra.

“Ngayon lang ako gumawa ng pelikula na hindi ako nahiraparan sa love scene. Pinakamahirap sa isang direktor ang gumawa ng love scene, gumawa ng love scene na hindi nakakasuka.

“Love scene na hindi naiinsulto ang sensitivity ng mga manonood. Dito ang husay-husay nila sa love scene, dahil sinusunod nila ang mga gusto kong sabihin.

“May mga artista kasi na ayaw gawin ang love scene. Napakahirap naman ng ganun, na ayaw naman niyang gawin ang love scene. So, paano ang gagawin?

“Dito kasi, willing sila, cooperative sila at ­naiintindihan nila ang vision ko sa love scene. Ang love scene ay bahagi ng napakagandang istorya na ­sinulat ni Ricky Lee.

“Hindi puwedeng walang love scene. Kailangan ang love scene. Nagawa namin nang matagumpay.

“Nu’ng makita naman nila ang love scene, natuwa sila. Ang husay nila sa buong pelikula. Napakahusay nila.”

Pero Direk, ano ba ang binulong mo kay Marco na ikinaloka ni Lovi?
“Hindi ko na sasabihin, kaya ko nga binulong lang kay Marco. Tapos ibu-broadcast ko rito. Hahahaha! Surprise na lang!” natatawang chika ni Joel.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More