Una sa Balita

Lovi mahusay na rapist

0 459

Isa sa mga eksenang ikinaloka ng mga manonood sa pelikulang “The Annulment” ay ang tangka na pangri-rape ni Joem Bascon sa kanyang misis na si Lovi Poe.

Sa eksena kasi, dahil may problema na nga silang dalawa, ayaw na ni Lovi na makipagtalik kay Joem. Eh, sa eksena na natutulog sila, tinamaan ng kati si Joem, at ‘yun na nga, hinimas muna si Lovi, at nilandi-landi.

Pero, pumalag si Lovi, kaya nagalit si Joem, at sinabing “may obligasyon ka sa akin bilang asawa ko”. Pumatong ito kay Lovi, at desidido nga itong gahasain ang misis.

Pero, nagbago ang sitwasyon, dahil ang galit na galit na si Lovi, na panay ang palag, at sampal kay Joem, ay biglang pinakawalan ang kanyang init, at sa halip, siya na ang umararo, o tipong nanggahasa sa kanyang kaaway na mister.

Kaloka nga na si Lovi na ang pumatong, humalik-halik sa katawan ni Joem, at sa marahas na paraan ‘yon, ha!

Eh, nag-enjoy naman si Joem sa pangri-rape ni Lovi sa kanya, na siya pa nga ang nag-utos na ‘bite me’ kay Lovi.

At pagkatapos ng eksena, kaloka ang binitawang linya ni Lovi kay Joem. Naku, sino kaya ang inspirasyon ni Direk Mac Alejandre sa eksenang ‘yon, ha!?

Anyway, showing na nga ang “The Annulment”, at B ang binigay na rating ng CEB (Cinema Evaluation Board) sa kanila. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy