Una sa Balita

Lovi, Kim, Winwyn, Andrea kabugan ng boobs sa rampa Derrick ‘Bukol King’

0 675

Dahil syala-syalahan ang nasa audience, wala raw gaanong tili o sigawan ang nangyaring Fashion Week for Bench na ginawa noong Sabado sa Bench Tower sa BGC.

Rumampa ang ilang stars at models na sina Derrick Monasterio, Rocco Nacino, Kiko Estrada, Kim Domingo, Winwyn Marquez, Andrea Torres, Dominique Roque, Lovi Poe at iba pa na bonggang-bongga raw ang performances ng mga ito.

Kabugan nga raw ng boobs at balakang ang mga ito, ha!

Isa sa main attractions nila ay ang Box-Office Prince na si Daniel Padilla na hanggang ngayon ay patuloy pa ring umaani ng tagumpay ang kanyang The Hows of Us.

Nanunukso raw ang mga katawan ni Derrick na walang saplot sa taas at kitang-kita ang improvement ng abs nito at mga masel sa katawan.

Kung nasa isang ordinaryong fashion show lang ito, baka nagtili­an na ang mga nasa audience dahil sa katakam-takam nitong hunky body lalo na nga’t aminado ito na puwede siyang tawaging ‘Bukol King’ dahil malaki nga raw ang alaga niyang tuta.

Sina Rocco, Kiko, Dominique at iba pang male celebs ay kinareer daw talaga ang pagrampa dahil nakakalokah rin ang mga abs nito, although kahit wala silang undershirt ay naka-jacket naman ng Bench.

Bukod tanging si Derrick lang talaga ang totally na walang saplot pantaas.

Since tungkol sa active wear na pang-sports ang inirampa nila, kaya cool din lang ang suot ni Daniel. Siyempre, hindi naman inaasahan na magpapakita ito ng kanyang katawan, noh!

Namataan sa audience si Mark Herras para magbigay suporta sa kanyang dyowang si Winwyn na seksing-seksi rin talaga.

Siyempre, proud dyowa ito habang naglala­kad sa stage at ipapakita kung ano paano siya naging isang beauty queen.

Nasa audience din ang original at poster boy ng Bench na si Richard Gomez kasama ang kanyang dyowang si Cong. Lucy Torres.

Obviously, kahit may mga rumampang foreigner, litaw pa rin ang gandang-Pinoy sa Fashion Week na ito ng Bench.