Una sa Balita

Lovi, Jolo ‘balikan’ tinutulan nina Jodi, Chris?

By
0 2,944

Finally, reunited sina Lovi Poe at Jolo Revilla, huh! Pero huwag kayong mag-isip na nagkabalikan ang ex-sweethearts dahil may mga magre-react.

Ayaw ni Chris Johnson sa part ni Lovi at ni Jodi Sta. Maria sa part naman ni Jolo kung magkakabalikan ang dalawa, ‘noh?!

Bale reunited lang sila sa trilogy movie na ginagawa ngayon ng Imus Production.

Abante Hiring – IT dep

Noong Saturday kasi ay nag-shooting si Lovi para sa episode na pinagbibidahan ng kanyang ex-boyfriend.

Teka! Hindi ba si Rhian Ramos ang leading lady roon ni Jolo, so, paanong nakasama roon si Lovi?

Heto na ang kuwento sa akin ni Leo Dominguez na manager ni Lovi. Noong una nga, si Lovi talaga ang kinukuhang maging leading lady roon ni Jolo, pero hindi nga umubra ang schedule ng dalaga dahil marami rin naman siyang ginagawa.

Pero hindi nga puma­yag ang mga taga-Imus Productions na tulu­yang mawala si Lovi sa kanilang pelikula, kaya pinakiusapan nila ang dalaga at si Leo na mag-guest na lang sa pelikula si Lovi.

So, nang magkaroon nga ng free day si Lovi, tinanggap na nila ang pagge-guest sa pelikula ni Jolo.

Eh, sabi naman mismo ni Lovi, wala namang problema na lumabas siya sa pelikula ni Jolo dahil kahit naghiwalay naman silang dalawa ay naging friends naman sila!

Richard hinamon na mag-MRT ng komedyante

Enjoy si Richard Gutierrez sa pagpunta namin sa Canada para sa TFC (The Filipino Channel) shows sa Winnipeg, Manitoba at North Vancouver, B.C.

Actually, bago pa ang TFC shows, nagawa na­ming mamasyal kasama ang ABS-CBN comedian na si Eric Nicolas at si Gian Carlos na siyang kasama namin sa tour na ‘yon.

At dahil sumaglit nga lang kami sa downtown Vancouver noong first day namin sa Canada, nag-train na lang kami pabalik sa airport to catch our Winnipeg flight.

Actually, hindi first time ni Richard ang train-ride na ‘yon dahil kapag nasa Europe siya, madalas siyang mag-train.

Sabi nga sa kanya ni Eric, subukan din niyang mag-MRT minsan sa atin kapag nagmamadali siya. Sabi naman ni Richard, parang cool naman ‘yon dahil aware nga siya nang minsang mag-MRT si Anne Curtis dahil ayaw nitong ma-late sa isang concert na panonoorin.

Si Eric daw, may mga pagkakataon din na sumasakay ng MRT para huwag ma-late sa trabaho.