Una sa Balita

Lovi iniwan ang dyowa, nagpapakaligaya sa Berlin

By
0 10,883

Nagliliwaliw ngayon si Lovi Poe sa Berlin, Germany dahil invited siya roon para sa event ng isang expensive watch brand na siya ring nag-imbita sa kanya at ilang celebrities, sa very expensive Amanpulo island kamakailan.

May event kasi sa lugar na ‘yon ang nasabing ex­pensive watch brand at invited din doon si KC Concepcion.

Matagal na raw naka-schedule ang trip na ‘yon ni Lovi at naipagpaalam na nila ‘yon sa taping ng The One That Got Away bago pa man nadagdagan ng two weeks ang airing ng pinagbibidahan nilacng romantic-comedy ni Dennis Trillo.

Naayos naman daw ang taping schedule ni Lovi sa kanyang GMA 7 series para pagpunta niya sa Berlin, kaya wala raw problema at na-advance na kunan ang kanyang mga eksena sa The One That Got Away kaya patuloy siyang mapapanood sa show kahit nasa bakasyon siya.

Kuwento ng manager ni Lovi na si Leo Dominguez, hanggang Saturday sa Berlin ang sexy actress/singer at sa Monday ay magte-taping na uli for The One That Got Away.

Sabi naman ni Lovi, masaya siya sa Berlin trip na ‘yon na parang pinaka-break din niya sa sunod-sunod na trabaho.

Wala nga pala akong narinig na kasama ni Lovi sa trip na ‘yon ang rumored-boyfriend na si Chris Johnson.

Hindi rin nakakapag-post si Lovi ng pictures na kasama niya si Chris, kaya baka mag-isa nga lang siya roon.

Eh, sa Amanpulo island event nga ng nasabing expensive watch brand ay ba­wal ang chaperone, kaya baka wala ring kasama si Lovi sa Berlin.

Sarah tapos na ang drama, tuloy ang concert sa Chicago, New York

Kahapon ay inulit sa akin ni Vic Perez, consultant ng International Concert Management (ICM), ang promoter ng This 15 Me US Concert Tour ni Sarah Geronimo na walang dapat ipag-alala ang mga fan ng Popstar na nagsibili ng tickets para sa kanyang Copernicus Center, Chicago, Illinois, May 4 and Colden Auditorium, New York, May 6 shows dahil wala raw magiging problema.

Mukhang okey na naman daw si Sarah after ng pagiging emotional niya noong Sunday sa kanyang Las Vegas show.

Habang katsikahan ko nga kahapon si Vic ay ibinalita niyang nasa New York City na si Sarah pati sina Mark Bautista at Sam Concepcion para sa meet and greet nila roon.

“Very professional si Sarah, kaya nothing to worry,” sabi pa ni Vic.

Almost sold out na rin daw ang tickets para sa New York show ni Sarah at ‘yung sa Chicago naman daw ay mabilis din ang benta ng tickets.

So, malinaw, tuloy na tuloy ang two more shows ni Sarah sa kanyang This 15 Me US Concert Tour!