Una sa Balita

Lovi, Heart super paseksi sa swimming pool

By
0 999

Friendship goals nga sina Heart Evangelista at Lovi Poe, ha! Ang dami ngang naenggayo na mga fan na gayahin ang samahan nilang dalawa.

Sa latest Instagram post ni Heart ay makikita sila ni Lovi na nakalubog sa swimming pool/dagat, suot ang kanilang mga 2 piece bikini, marami nga ang nagsabi na gusto nilang tularan ang friendship ng dala­wa, na magkasundo sa lahat ng bagay.

Imagine, pareho ngang nasa tubig ang dalawa, pero super gaganda at fashionis­ta pa rin. Ang winner nga nung kahit daw nasa tubig ang dalawa, naka-make up, at nakaayos ang mga buhok, na animo ay dadalo sa isang birthday party.

Well, ganun kasosyal, ka-fashionis­ta sina Heart at Lovi, na kahit anong okasyon sa buhay nila, ginagawa nila itong bonggang-bongga.

At ‘yun nga ang nagugustuhan nila sa dalawa, na babaeng-babae sa kahit anong larangan. Hindi naman kaartehan ang alagaan ang mga katawan at mukha nila, kaya masarap ngang tularan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy