Una sa Balita

Lovi gusto nang magpabuntis

By
0 2,759

Kulitan-galore ang peg ng magkaibigan na sina Lovi Poe at Isabelle Daza dahil noong weekend todo-bonding sila nang magkita sa fashion show ng isang kilalang clothing brand.

Sa sobrang kakulitan nga nila, tila nasabi na yata ng Kapuso actress ang petsa kung kailan manganganak ang kaibigan sa pamamagitan ng Instagram story nito. Kaloka!

Samantala, tila malapit talaga sa babies si Lovi dahil kahit pati sa kanyang GMA Primetime series na The One That Got Away ay close na close sila ng child actor na si Euwenn Aleta na gumaganap bilang pamangkin niya na si Nemo. For sure, malulungkot talaga ang character niya as Alex kung malalaman niya na magkaka-child custody battle sa pagitan ng kanyang kapatid na si Gael (Jason Abalos) at ex nito na nanay ni Nemo na si Yvette (Elle Ramirez). 

Buking na ni Yvette ang pagpapanggap nina Zoe (Rhian Ramos) at Gael. Kaya naman balak na niyang isama ang anak na si Nemo pagbalik niya sa Canada.

Ay, mukhang type na rin ni Lovi na magka-baby, ha! Kunsabagay, hindi na rin naman siya bumabata. Magti-30 na nga siya, kaya okey lang na magka-baby na rin siya.

Kambal, Karibal kasing-init ng Ika-6 na Utos

Kahit abala si Bianca Umali sa bonggang-bonggang preparasyon para sa debut niya na magaganap sa Sabado ay hindi siya nagpapabaya sa hot na hot na teleseryeng Kambal, Karibal na sumusunod sa yapak ng Ika-6 Na Utos. Ang taas-taas ng ratings ngayon habang sumasadsad ang katapat nitong teleserye sa kabila.

Sweetness overload ang binibigay ng tambalan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa kanilang mga follower tuwing magpo-post sila ng picture o video sa kani-kanilang social media accounts. In fact, mag-comment nga lang ang isa sa kanila, super kilig na ang kanilang mga fan.

Samantala sa Kambal, Karibal, patuloy pa ring umaasa si Crisel (Pauline Mendoza) sa atensyon ni Diego (Miguel Tanfelix) pero dahil hindi nga niya ito mapilit na magustuhan din siya, patuloy naman ang pang-aaway nito sa kambal niyang si Crisan (Bianca Umali) dahil ito ang gusto ng binata.