Una sa Balita

Lovi bumigay nang husto sa lampungan kay Tom

By ,
0 2,382

Puring-puri ni Lovi Poe ang co-star niya sa The Significant Other na si Erich Gonzales at masaya siya dahil sa ngayon, hindi naman daw madalas na nagkakaroon silang mga artista ng pagkakataon na makatrabaho ang nasa ibang network.

Pero bago ang promotion nila ngayon sa movie na ipapalabas na sa February 21 under Cineko Productions, may isyung lumabas na na­ging masyadong intense at totohanan ang sampalan nila to the point na may nasaktan at nagdugo pa.

Sabi naman niya, “Hindi naman maiiwasan minsan ‘yung ganun. Pero ‘yung nakita ng tao is di­fferent from the whole na nangyari talaga. And that’s just how it is. Minsan, may lalabas na kulang.”

Nilinaw rin ni Lovi na hindi sila nagkaroon ng away o tampuhan ni Erich pagkatapos na nangyari ‘yun.

“No naman, kasi right after we were okay. Of course, kapag sa mga ganoong klaseng eksena, hindi naman po maiiwasan na madadala kayo sa isa’t isa.”

Sa isang banda, aminado si Lovi na nagpaka-daring siya rito sa The Significant Other at nagpapasalamat lang daw siya na si Tom Rodriguez ang kapareha niya na sa lahat halos ng leading men niya ay pinaka-komportable raw siya. Nagawa nga raw niya ang dapat gawin, na puwedeng sabihin na bumigay siya nang husto sa lampungan kay Tom.

At kahit daw siguro nagpapaka-daring siya ng ilang beses, hindi pa rin daw talaga siya magiging komportable.

“I don’t think I’ll ever get used to it even if i’ve done it a million times. People will always ask, how was it with the love scene? It’s not a very sexy thing. Everyone’s there in the room, watching. Ang dami mong iniintindi, so I’ll never get used to it.”

Clique V mabenta sa kababaihan

Mula sa limang miyembro, pito na ang bagong boy group na Clique V ng 3:16 Events and Ta­lent Management Company.  Nakilala na namin noon pa ang original five na sina Karl, Marco, Sean, Josh at Clay at ang bago – sina Tim at Rocky.

May kanya-kanyang title na ang pito. Si Karl bilang Campus Heart Throb, Marco as The Hunk, Sean Kilabot ng Dance Floor, Josh as Cutie Bae, Clay bilang Soul Balladeer, Tim as Teen Crush at si Rocky bilang Boy Next Door.

Bukod sa kanilang ni-launched na Christmas album na Tuwing Pasko na sinulat ni Direk Joven Tan, ilo-launch na rin ang kanilang self-titled album ngayong February, ang Clique 5 na naglalaman na ang carrier single ay Pwede Ba, Teka Muna na sinulat din ni Joven Tan at iba pang tracks like Ako Na Lang Sana, Bakit Hindi, Magmula Ngayon, Mabuti Nalang at Sana Naman heto at magkakaroon na sila ng concert sa Music Museum a February 27.

Bukod dito, ang grupo rin nila ang ginawaran ng Gawad Musika 2017 as Outstanding Boy Band sa nakaraang 37th Year Ender Top Consumers Choice Awards.

Promising ang grupo, lalo na kung itutuloy ng 3:16 ang bonggang trainings sa kanila na inspired by how Korean K-pop group was trained. Mabenta na rin kasi sila sa mga kababaihan.

Halata namang natawa at hindi na lang kinontra ng ilang press sa ginanap na presscon nila ang sagot ng Clique V na kahit may duma­ting na bonggang offer sa kanila na mag-solo ay stick pa rin sila sa grupo. Marami na ka­sing nagdaaan na group na eventually, nabubuwag din dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Minsan nga, may mga nagkakaroon na ng solo career. So sana nga, isa ang Clique V sa magtagal na solid talaga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy