Una sa Balita

‘Lover’ ni Taylor Swift ilalantad sa Aug. 23

0 269

In-announce na ni Taylor Swift ang paglabas ng kanyang seventh studio album titled Lover. May release date ito na August 23, 2019 through Republic Records.

Pinili ni Taylor ang August 23 dahil kapag in-add ang 8-2-3, it will be 13 na favorite number ng singer.

The album cover photo was shot by Valheria Rocha, a Colombian artist. May apat na deluxe versions ang album, all with different bonus content at magi-ging available lang ito sa Target.

Una nang na-release ang first single ng album na Me! noong April 26, 2019 kunsaan kasama niya si Brendon Urie, ang frontman ng Panic! at the Disco.

Nakakuha na ang music vi-deo nito ng higit na 209 million views sa YouTube.

Ang second single ng Lover ay You Need To Calm Down ay ni-release ang lyric video noong June 14. Nakakuha na ito ng 9.5 million views. Ang music video ay ilalabas on June 17.

Ayon pa kay Taylor: “Lover is not just simply thematically, like it’s all love songs or something. The idea of something being romantic, it doesn’t have to be a happy song. You can find romance in loneliness or sadness or going through things in your life… it just looks at those things through a romantic gaze.”

Sa naunang anim na studio albums ni Taylor (Taylor Swift, Fearless, Speak Now, Red, 1989 and Reputation), may estimate sale ang mga ito na 50 million albums and 150 million singles worldwide. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy