Una sa Balita

Lovely Abella magpapasilip ng boobs

‘Dapat pinkish para hindi sila maumay!’

By
0 5,871

Kinabahan nang malala ang kikay na si Lovely Abella nang sabihin sa kanyang kukuning cover ng FHM matapos ilabas ang Bubble Gang girls sa cover ng FHM mga last November 2017.

Feeling niya, baka maging sobrang sexy kung solo niya ang pagiging cover pero ayon sa kanya, pinaghandaan naman niya ang pictorial kaya lumabas na sobrang sexy pa! Si Xander Angeles ang photographer at ginawa ang shoot sa studio nito, sa Edge of Life.

Ayon kay Lovely, ang favorite shot niya sa pictures ay nu’ng nakahiga siya. “Nakadapa pala actually. Sobrang hirap pala. Hindi madali maging model. Nahirapan ako roon dahil masakit na ang katawan mo, wala ka dapat iniinda kahit may scoliosis ka dahil kailangang ma-achieve ang sexiness doon kaya push ko nang malala!” pahayag ni Lovely.

Mula sa pagiging TV dancer eh naging co-host siya ni Willie Revillame, nag-artista at ngayon nga ay nagmarka ang pagi­ging komedyante niya nang i-manage ng Triple AAA at sa Sunday Pinasaya siya napapanood ngayon.

“Gusto ko lang noon mabuhay ang family ko. Ngayon nasa cover ako ng FHM, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Sobrang ang daming kumakausap sa akin ngayon kaya ramdam ko na ang FHM ang start ng pagganda ng career ko.

“‘Yung pakiramdam ko bago ako pumunta rito todo dasal ko. Baka maiyak ako. Sobrang saya ko po, sobrang thankful sa FHM,” saad niya.

So ano na ang kasunod na projects niya bukod sa SPS?

“Actually may offer po ngayon. Pinag-iisipan ko po kung right po ba o left ang ilalabas ko. Ha! Ha! Ha! Kasi baka maumay sila! May offer po,” sey niya na ang pinatutungkulan ay ang boobs niya.

“Kasi ‘pag pareho na po ang ilalabas ko, hindi ko na po alam kung ano ang mangyayari sa career ko! So dun po muna ako sa bandang right para at least, may left pa po ako! Ha! Ha! Ha!” rason niya.

Ano ba ‘yung left or right?

“Left areola! Charing!” bulalas ng April Babe ng FHM.

“Kaya pinaghahandaan ko na! Dapat pinkish para hindi sila maumay! Ha! Ha! Ha!” dagdag niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More