Una sa Balita

Lovelife ni Alden nabuking ni Chynna

By
0 4,221

Napa-flashback bigla ang Kapuso star na si Chynna Ortaleza (na isa sa mga loyal talaga at kamakailan lang ay muling pumirma ng network contract sa GMA-7) sa pinost niyang picture nila ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

Nag-guest si Alden sa show nina Chynna at Chef Boy Logro na Idol Sa Kusina at hindi yata napigilan ng aktres – na very rare kung magbigay ng tila ‘patribute’ sa socmed. Kaya once na ginawa nito, we know na she really mean well.

Sabi ni Chynna, alam daw niya kung bakit successful si Alden.

“Parang hindi ata ako masaya sa pag-flashback ng pinagsamahan natin sa taping ng Lenten Special dati ah! Masaya ako na nakausap kita at masaya ako sa mga plano mo sa buhay.

“At may isa akong hindi makakalimutan sa mga sinabi mo nung taping natin ng ISK. Dapat si God lagi ang pinakauna! Kaya ka pinagpapala,” sabi ni Chynna.

Mukhang si Chynna ang dapat kulitin ngayon dahil sa shinare niya na nakipagkuwentuhan sila ni Alden at nabanggit nito ang mga plano sa buhay. Malamang, about his business, about his career as an actor ang ilan sa mga naibahagi ni Alden. Eh, dahil plano sa ­buhay, kasama rin kaya sa nai-share ni Alden ang plano niya sa lovelife rito? Huh!