Una sa Balita

Love sapol sa ulo, eksit sa Game 6

By
0 1,136

Hindi natapos ng Cavaliers All-Star forward na si Kevin Love ang Game 6 ng Eastern Conference Finals kahapon matapos magkauntugan sila ng Celtics rookie star na si ­Jayson Tatum.

Hindi sinasadya ng basketball stars na magsalpukan sa kalagitnaan ng opening quarter dahilan ng pagbagsak nilang dalawa sa basketball court.

Agad namang itinaas ni Love ang kanyang kaliwang kamay, signal na nanghihingi ng tulong.

Ilang minuto ang hinintay ni Love bago siya hilahin sa paa palabas ng court.

Inalalayan naman ni Cleveland guard George Hill si Love papuntang bench bago magtungo sa locker room para obserbahan ang insidente.

Hindi na pinabalik sa court si Love para i-evaluate ang pagkalog ng kanyang ulo.

Pinalitan si Love ni Jeff Green, na tumulong sa pangu­nguna ng Cavs sa halftime.

Hindi naman ininda ni ­Tatum ang salpukan at nanatili pa rin ito sa game.

Sa kabila ng head injury ni Love ay nanatili pa rin sa itaas ang Cavaliers na may 109-99 win para itabla ang serye, 3-3.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More