Una sa Balita

Love dumagdag-pilay sa Cavs

By
0 257

Isa pang star ang nalagas sa Cleveland.

Mawawala nang mula six weeks si Ca­valiers forward Kevin Love matapos operahan ang kaliwang paa.

Hindi pa makaahon ang Cavaliers sapul nang umalis si LeBron James papuntang Laker­s noong Hulyo.

Naiwan si Love para maging lider ng team, pero inumpisahan nila ang season sa 1-7, sinipa pa ang dating head coach na si Tyronn Lue.

Inabot ng injury ang kaliwang hinlalaki sa paa ni Love sa unang exhibition game lang ng Cleveland, inoperahan noong Biyernes sa Hospital for Special Surgery sa New York.

Naglaro pa ang 30-an­yos na si Love sa first four games ng Cavs hanggang hindi na makaya ang sakit at nahirapan nang luma­kad.