Una sa Balita

Love ako ni uncle (3)

0 671

Dear Dra Holmes (shortened Nov. 5 letter)

My aunt and uncle took care of me, paid for my schooling and all I needed these last 3 years.

My auntie died. My uncle then told me he loves me not like a daughter, but a wife. Since she is dead now, it’s ok to share how he feels. – Angel

Dear Angel:

Related Posts

Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublish ng buo noong nakaraang Lunes, Nobyembre 5. Sa huli nating kolum noong Nobyembre 9, sinabi ko sa iyo na iba ka satiyo mo. Ang ibig kong sabihin ay, kahit covert incest ang nangyari dahil mayroon nang intensyon ang tiyo mo sa iyo (o kahit hindi), huwag mo sanang bintangan ang sarili mo dahil akala mo na ikaw ay may gusto rin sa kanya o ikaw pa nga ang nag-umpisa ng pagiging mas malapit sa kanya kaysa sa tiya mo.

Huwag kang ma-guilty kahit na may katotohanan ng konti (o malaki) ito. Maaring reaksyon mo lang ito sa kanyang ginagawa o sinasabi. Pero kahit na hindi ito reaksyon, kahit na ikaw mismo ang nag-umpisa, ikaw ang bata at siya ang mas nakakatanda. Siya ang dapat mas responsable sa mga nangyari o baka pa mangyari sa inyo.

Sana natanggap mo lahat ng sinulat ko sa iyo rito. Mayroon kasi akong konting pagdududa dahil sa aking pagbasa ng iyong buong sulat(Nobyembre 5 na sana mabasa mo uli) klaro na ang iyong position ay pareho kayo sa damdamin at layunin ng tiyo mo.

Ang sinasabi ko lang ay, kahit ang isip mo ay pareho kayo sa damdamin at layunin ng tiyo mo, hindi mo dapat iplano na mangyari ito kaagad. To be continued…

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholme­s o sa abantewb@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy