Una sa Balita

Louise ayaw nang maghubad sa pelikula

0 666

Super paos si Louise delos Reyes nang makatsikahan ko kahapon sa presscon ng “Bakit List”, kasama si Ivan Padilla, na dinirek ni Bona Fajardo.

Kuwento ni Louise, galing daw siya sa sakit, dahil naulanan nga siya nu’ng nagtinda-tinda siya sa isang bazaar. Napaos daw siya sa kaka-entertain sa mga namimili.

Anyway, suwerte nga si Louise na hindi siya nawawalan ng pelikula sa Viva Films. Heto nga at bida na naman siya sa “Bakit List”, matapos ang pelikula nila ni Xian Lim noon.

Kung sa movie nila ni Xian na “Hanggang Kailan” ay parang itinodo na niya ang matinding pakikipaglampungan, at medyo hubaran na rin dahil halos nasilip na ang boobs niya, dito sa “Bakit List” ay tumanggi raw muna siya.

“Hindi naman ‘yon kasi talaga ang gusto kong gawin. Sabi ko nga, may mga kapatid akong lalaki, at ayaw kong pati sila ay madamay sa mga ginagawa ko sa showbiz.

“Kaya po hindi rin ako pumapayag na lumabas sa mga men’s magazine noon, dahil hindi ko rin talaga gusto. So, sabi ko, sana sa ‘Bakit Lis’t, wala muna,” chika ni Louise.

Anyway, according kay Direk Bona, hindi rin naman kinailangan ang maghubad, magtodo-todo sa landian sa pelikulang ito. Ibang-iba nga raw ang kuwento nito.

Naikuwento rin ni Ivan na sa halip na bed scene ay umaatikabong sampalan ang ipinatikim sa kanya ni Louise. May eksena raw na inabot ng take 5 ang pagsampal-sampal sa kanya ni Louise.

“Sobrang genuine ng acting niya. Talagang totoong-totoo. Paulit-ulit pa ‘yung sampal niya,” saad na lang ni Ivan.

Well… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More