Una sa Balita

Lotlot super proud: Janine pantapat sa ganda ni Liza

0 1,400

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyNaaaliw si Lotlot De Leon sa ideyang nagpapalitan ng papuri sina Liza Soberano at ang anak niyang si Janine Gutierrez. Hindi lingid kay Lotlot ang pagpa-follow sa isa’t isa ng dalawang young actress at ang mga comments nila sa isa’t isa.

Sa live interview ni Lotlot sa show namin ni Dondon Sermino, ang “Abantelliling” nu’ng Martes ng hapon (na mapapanood pa rin ngayon sa Abante News Online Facebook page, at YouTube channel), sinabi niya na natuwa siya dahil hindi hadlang ang magkalabang network nina Liza at Janine, para maging friends sa social media.

Si Liza ay Kapamilya star, at Kapuso naman si Janine. At sey nga ni Lotlot dapat lang naman daw na maging maganda ang relasyon ng mga artista kahit magkalaban ang kanilang mga istasyon, dahil naniniwala siyang maliit lang ang mundo ng showbiz, magkikita at magkakasama talaga ang bawat isa.

Pinatotohanan ni Lotlot na talagang sinusubaybayan ni Janine si Liza at gandang-ganda siya rito.

Nang tanungin namin siya kung ano ang masasabi niya sa obserbasyon ng iba, na kung merong Liza Soberano ang Kapamilya, may Janine Gutierrez naman ang Kapuso.
Ibig sabihin, kung may dyosa ng kagandahan sa Kapamilya, meron din ang Kapuso.

Marami pang komento si Lotlot sa anak na si Janine tungkol sa ugali nito, sa lovelife at kung anu-ano pa. Kaya naman panoorin niyo pa ang ang guesting nito sa Abantelliling at maaaliw kayo!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy