Una sa Balita

Los Baños dagdag sa SEAG venue

0 256

NADAGDAG sa pagpapaganapan na lugar ng kompetisyon ang Los Baños Centro Mall sa nalalapit na pagho-host ng Pilipinas sa 30th SEA Games simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Sinabi ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Executive Director Tom Carrasco, Jr. na magiging ika-44 na competition venue ang LB Centro Mall na nasa Lopez Ave, Batong Malake sa Los Baños, Laguna sa kabuuang 56 sports na paglalabanan sa SEA Games.

“Centro Mall will be hosting the sports of Floorball and Indoor Hockey,” sabi ni Carrasco.

Samantala, ipinaliwanag ni Carrasco na sisimulan na ng Phisgoc ang pag-iimprenta ng kinakaila­ngan na mga technical handbook ng bawat isasagawang sports sa multi-sports na torneo.

“As of June 20, from Sports and Events Committee ay forwarded to Marketing for layout na ang technical handbook. Out of 61 sports, 46 guidelines were forwarded for a total of 75%, others still have issues with TVs and venues or the 15 out of 61 for 25%. Why 61, kasi may ibang mga events sa sports na under nila like swimming na mayroong diving at water polo and athletics na may field events,” sabi ni Carrasco. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy