Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lorna pasimuno ng kulit sa ‘Probinsyano’

0 228

Good vibes ang hatid ng video na ipinost ng actress na si Lorna Tolentino. Isa si LT at cast ng FPJ’s Ang Probinsyano sa mga unang sumabak sa lock in taping. At hanggang ngayon nga, lock in taping pa rin ang ginagawa nila.

At tila mas lalong nagiging close at bonded ang cast, gayundin ang staff dahil sa lock in scenario ng taping. Halos puro, “nakaka-good vibes” kayo ang comment sa video ng ilang cast ng Ang Probinsyano nang mapagtripan ng mga ito na magsayaw through “We Are Family.”

Kahit si Ogie Alcasid ay napa-comment sa video ni Lorna at sey niya, “Ang cute niyo.”

Sabi naman ng isang comment, “Ang taas ng energy ni Madam Lily!” which is si LT nga. Magkakasama ang mga magkakaaway sa serye sa ginawa nilang sayaw kaya mas lalo raw nakaka-good vibes.

Kasama ni LT sina Tirso Cruz III, Rowell Santiago, John Arcilla at iba pa.

***

Khalil ‘panggulo’ sa Gabbi-Ruru

May ibang karelasyon na ang orihinal na loveteam na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid, ang GabRu pero, buhay na buhay pa rin ang mga fan nila.

SM food to go Banner Ad

‘Yung iba talaga, hindi “na-convert” na mahalin ang real-life tandem ni Ruru kay Bianca Umali. While si Gabbi naman kay Khalil Ramos, may basher man siguro dahil gusto pa rin na si Gabbi kay Ruru, mas less compared sa Bianca-Ruru.

Ewan lang ngayon na pinasok na ni Khalil ang mundo nina Gabbi at Ruru bilang isang bagong Kapuso nga. Kinamusta nga namin si Khalil sa pagtanggap sa kanya ng mga fan ng GabRu ngayong Kapuso na siya.

“’Yung reception po ng dating ka-loveteam ni Gabbi na si Ruru, wala po akong masyadong nakita na comments po. Hindi ko po alam kung okay ba yung pagtanggap nila sa akin.

“Kung ano man yung nararamdaman nila, I would completely understand it,” sabi niya.

Kung sakali raw na mabigyan sila ng project na magkakasama, willing daw si Khalil na gawin ito.

“If given a chance to work with them in a project, of course, that would be highly dependent on what type of project, kung ano ang istorya, at least for me.

“Ako, I would possibly say that I’m open to do it. I’m matured enough naman to handle it. I know that they had their fair share of history but you know, I don’t let the past control the future and that shouldn’t be that way.”

Kung sakali raw makatrabaho niya si Ruru, chill lang daw at walang magiging judgment sa kung ano man ang meron sa nakaraan.

Una na ngang napapanood si Khalil bilang Kapuso sa All-Out Sundays.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.