Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lorna pababagsakin na ni Cardo

0 125

Puno man nang paghihinagpis ang puso, nakatakdang bumalik sa pakikipagbakbakan si Cardo Dalisay (Coco Martin) upang iligtas ang mga kaibigang nagdurusa sa kamay ng mortal na kaaway niyang si Lily (Lorna Tolentino) sa Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Nabigo ang buong Task Force Agila sa pagsagip kina Diana (Angel Aquino) at Teddy (Joel Torre) mula sa pagpapahirap nina Lily at Arturo (Tirso Cruz III), kaya naman kailangan nila ng isa pang mas malaking alas para makuha sila nang buhay.

Dahil dito, magdedesisyon si Cardo na gamiting pain si Clarisse (Rhen Escaňo), ang anak ni Arturo, habang hinahanda nilang makipaglaban sa batalyon ng mga tauhan ni Lily.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Abala man sa misyon ang grupo, nalagasan naman sila ng isang kakampi dahil tuluyan na silang tinalukuran ni Ramil (Michael De Mesa) upang sumama kay Lito (Richard Gutierrez) para maging personal bodyguard nito. Wala namang kaalam-alam si Ramil na ginagamit lang siya ng tusong si Lito upang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga kilos ni Cardo at ng Task Force Agila.

Magtagumpay kaya ang plano ni Cardo na sagipin sina Diana at Teddy? Malaman pa kaya ni Teddy na patay na ang anak na si Alyana?

Panoorin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.