Una sa Balita

Lorna gustong makaeksena sina Banderas, Van Damme, Norris sa ‘Ang Probinsyano’

0 321

Suwerte ni Lorna Tolentino na gumaganap bilang si Lily, kung hindi pa siya papatayin sa “FPJ’s Ang Probinsyano”. Nu’ng huli kasi namin siyang nakausap sa Sine Sandaan, nagdayalog siya na:

“Parang mamamatay na nga yata ako!”

Talaga?

“Parang lang. Pero, baka naman hindi pa!” giit pa niya.

Inamin ni Lorna na sobrang nag-i-enjoy siya sa teleserye na ito ni Coco Martin. At masaya siya sa karakter niya bilang si Lily, na ang pangarap ay maging…

“Gusto kong maging First Lady,” hirit pa niya.

“‘Yun ang ambisyon ng karakter ko, maging First Lady,” sabi niya ulit.

Si Angel Aquino nga ang parang kalaban niya sa” Ang Probinsyano”. Pero in real life, malapit na magkaibigan sila.

Katunayan, magkakasama silang dumating sa Sine Sandaan last week.

“Galing kami sa bahay, magkakasama kami nina Amy Austria at Angel nga. Double A ang mga kasama ko. Tapos nagkahiwa-hiwalay na kami. Hahahahaha!” natatawang sabi niya.

Inamin din ni Lorna na isang dahilan kung bakit gusto pa niyang magtagal sa “Ang Probinsyano” ay ang pagpasok ng tatlong Hollywood actor.

Gusto nga niyang maabutan ang pagpasok nina Antonio Banderas, Jean Claude Van Damme at Chuck Norris.

“I think maabutan ko pa sila. I hope makasama ko talaga sila.

“So excited ako! Hahahahaha!” kuwento ni Lorna.

Well, ‘yun ay kung hindi pa nga siya papatayin agad.

“May scene kasi na parang maghaharap-harap na naman, magpapatayan na naman! Hahahahaha!” sabi na lang ni Lorna.

Bongga, ‘di ba?

Arci super himas sa ‘talong’ ni JC Santos

Nakakaloka pala ang eksenahan nina Arci Munoz at JC Santos sa pelikulang “Open”, na kasali nga sa Pista ng Pelikulang Pilipino, ha!

Puno ng halikan, lampungan ang dalawa. At ang mas nakakaloka, ito na yata ang pinaka-palaban na role ni Arci, dahil buong ningning nga niyang hinimas ang ‘talong’ ni JC, ha!

At ang bongga rin ng eksena na ginawa niya ang lahat para mapaligaya lang si JC. Na umabot nga siya sa punto na parang binu-BJ pa niya ang aktor, ha!

Kunsabagay, palaban din naman si JC, na walang pakialam kung magbuyangyang ng kanyang wetpaks sa movie.

Ang kuwento nga ng “Open” ay tungkol sa magdyowa na 14 taon nang magkarelasyon, at umabot na sa puntong nagkakasawaan na sila. Na si JC, dahil sa tagal na ng pagsasama nila, parang wala nang elya kay Arci, ha! Na kailangan ngang gawin ni Arci ang lahat para lang makaramdam ng init sa kanya si JC. At doon nga pumasok ang ‘open relationship’ na set up, na puwede silang makipag-sex sa iba, pero magdyowa pa rin sila.

Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy