Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lorin, Venice balik Pinas na: Yilmaz, Annabelle super chika na

0 126

Nakabalik na kahapon ng ‘Pinas ang mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice.

Two days lang naman nag-extend ang magkapatid sa Istanbul, Türkiye kung saan nakasama nila ang tatay nilang si Yilmaz Bektas after 15 years.

At least, hindi after 15 years saka sila pinabalik ni Yilmaz katulad ng biro nito kay Ruffa.

Emotional ang paghatid ni Yilmaz sa mga anak sa airport. Obvious na naiyak sina Lorin at Venice habang yakap-yakap ang kanilang tatay. Kasama rin sa ‘eksenang’ ‘yon ang kanilang half sister na si Ilknaz.

Feeling ko, Dondon (my dear editor), mapapadalas ang pagkikita ng mag-aama. Who knows, baka dalawin ni Yilmaz dito sa ‘Pinas si Venice at puntahan niya sa Malibu, California si Lorin dahil doon nga based ang panganay ni Ruffa at nag-aaral nga kasi sa Pepperdine University.

Eh, bati na naman sina Yilmaz at Annabelle Rama at nag-usap na sila sa cellphone, kaya baka maglatag pa si Bisaya ng red carpet kapag bumisita sa kanila ang ex-son-in-law, huh!

Anyway, marami ang na-touch sa mga video ng pagsi-‘see you again’ ng mag-aama.

Tamang-tama nga pala ang pagbabalik-‘Pinas nina Lorin at Venice dahil birthday ngayon ni Ruffa.

Actually, kahapon pa nga magkaka-bonding ang mag-iina.

Masaya si Ruffa na sinalubong ang kanyang birthday na kasama ang mga anak.

Mamaya, magse-celebrate si Ruffa kasama sina Lorin at Venice.

Nice!

Janine, Paulo movie dinumog ng mga fan

Nabanggit na rin si Bisaya, noong Wednesday na um-attend ako sa block screening ng ‘Ngayon Kaya’ sa Podium Director’s Club Cinema sa invitation ng PauNine fan na si Maricel Tecson, nagbilin talaga sa akin si Janine Gutierrez.

Sabi niya, “Tito Jun, please tell Tita Annabelle naman na panoorin niya ang mga kasama niya sa bahay ng ‘Ngayon Kaya’. Support ni Tita sa akin.”

For sure mababasa ni Bisaya ang dialogue ni Janine.

In fairness, ‘Tita’ ang tawag ni Janine kay Bisaya at hindi lola, huh!

Anyway, noong nagkita kami nina Janine at Paulo Avelino sa Podium, galing na sila sa isa pang block screening sa SM Megamall at nagmamadali rin sila dahil papunta naman daw sila sa Ayala 30th Mall kung saan may pa-block screening din ang iba pa nilang mga fan.

Bukas, may iba pang mga pa-block screening for ‘Ngayon Kaya’.

In fairness, Dondon, nagustuhan ko ang movie!

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.