Una sa Balita

Lorin dedma sa LA quake

0 286
abante-anything-goes-jun-lalin
 
Alam mo, Dondon, sobrang shocked ako nang ma-experience namin ni Lorin Gutierrez ang magnitude 6.6 na lindol sa Los Angeles, California noong Thursday morning (before 11:00AM at before 2:00AM ng Friday naman sa atin sa Philippines).
 

Nasa isang mobile store kami sa may Be­verly Hills at kumukuha ng prepaid sim card ang panganay ni Ruffa Gutierrez nang maganap ang lindol.

Nakakaloka ang lakas, kaya napatayo ako at nanginig.

Si Lorin naman, nagtse-check kasi ng directions sa Waze ng restaurant na pupuntahan namin para mag-brunch kaya hindi raw niya napansin na lumilindol.

Nataranta lang si Lorin dahil kitang-kita niya na na-shock ako.
 

“I thought may pumasok na hol­daper sa store kasi nakatingin ka sa glass door at shocked ang hitsura mo,” sabi ni Lorin after.
 

Napansin lang ni Lorin na lumi­lindol nang palayuin sa glass windows ang ibang mga customer sa mobile store na ‘yon.
 

After nga, tsinek ni Lorin sa internet ang lindol at nalaman niya na magnitude 6.6 ‘yon.
 

Nang maka-text ko naman si Sir Gil Cabacungan (general manager ng Abante) ay sinabi niyang pinakamalakas na lindol ito sa California sa mahigit na two decades.
 

Nasabay nga sa 4th of July Independence Day celebration sa Amerika ang nasabing lindol.
 

Ang Pinay friend ko nga na si Jojie Alonzo na kasama sana naming magsi-celebrate ay natakot dahil baka may aftershocks daw.
 

Marami rin sa mga taga-California na nakausap ko na natakot talaga.

 

Ruffa susunod sa anak sa SFO

Si Ruffa naman, kahit madaling-araw nga sa Philippines, tumawag agad at kinumusta kami ni Lorin.
 

Tutok na tutok si Ruffa sa kanyang panganay na nandirito ngayon sa LA dahil mag-special summer school ito sa UCLA.
 

Hindi sanay si Ruffa na hindi siya kasama ni Lorin na nagpupunta ng Amerika at natakot din siya dahil ang lakas nga ng lindol sa California.
“You pray,” bilin sa amin ni Ruffa.
 

Natuwa naman si Lorin sa good news ni Ruffa na susunod ito sa LA.
Isasama rin ni Ruffa ang bunsong si Venice.
 

Hindi pa raw kasi siya kailangan sa taping ng “Love Thy Woman” ng ABS-CBN, kaya makakasunod nga sila ni Venice sa amin ni Lorin.
 


KC pinupuri ng mga Pinoy sa US


Nagpunta ako sa isang Pinoy restaurant sa may Temple St., ang Dollar Hits na nagtitinda ng famous street foods ng Philippines.

Nakita ko ang picture doon ni KC Concepcion.

According to the owner na si Ms. Joyce Franco na taga-Pampanga, ilang beses na ring nagpunta doon ang anak ni Sharon Cuneta.

Madalas si KC sa LA kaya maraming mga Pinoy na nakakakita sa kanya.
Sobrang bait nga raw ni KC at accommodating siya sa mga nagpapa-picture sa kanya kapag nagpupunta siya sa Pinoy restaurant na ‘yon na nasa tinaguriang Historic Filipino Town!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy