Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lorenzana umamin: Paturok gimik lang

0 138

NILINAW ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi siya nagpabakuna kasunod ng paglabas ng ilang video na tumanggap siya ng Sinovac vaccine.

“No, I did not,” pahayag ni Lorenzana, na ang edad ay 72.

Naunang sinabi ni Lorenzana na hindi siya magpapabakuna ng Sinovac dahil hindi ito inirerekomenda sa mga senior citizens.

Paliwanag ni Lorenzana, ito ay isang pagpapakita lang sa media para ipahatid sa publiko na ligtas itong gamitin.

SM food to go Banner Ad

“Photo ops lang,” sinabi ni Lorenzana, kasunod ng kalituhang idinulot nito sa media dahil sa video na nagpapakita na nagpaturok siya.

Kabilang si Lorenzana sa mga bumisita at tiningnan ang pagpapabakuna sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City para mag-observe ng COVID-19 vaccination program gamit ang Sinovac.

Sinabihan na umano siya ni Health Secretary Francisco Duque III na ibang bakuna ang gamitin dahil sa kanyang edad.

Ang akma na bakuna umano ay ang AstraZe­neca vaccine. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.