Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lorenzana: PAF palalakasin puwersa

0 56

Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana nasa tamang direksyon ang Pilipinas sa pagbili ng multi-role fighter (MRF) para sa Philippine Air Force (PAF).

Inihayag ito ng kalihim kasabay ng kanyang pagsakay sa isa sa 50 fighter jet ng PAF sa isinagawang aerial maneuver sa air defense exercise na ginanap sa Basa Air Base sa Pampanga.

Sinabi ni Lorenzana na sa halip na kumuha ng 12 pang FA-50 fighters na pandagdag sa kasalukuyang 12, mga multi-role fighters na lang ang bibilhin.

Mas importante aniya sa panahong ito na magkaroon ng “credible air defense” dahil sa sitwasyon sa West Philippine Sea. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.