Una sa Balita

Lorenzana ‘di na-stroke, nagpa-checkup lang – Palasyo

0 164

TINIYAK ng Malacañang na maayos ang kondisyon at kalusugan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ang pagtiyak ay ginawa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos lumutang ang impormasyon na dinala sa ospital Miyerkoles ng gabi si Lorenzana dahil na-stroke umano.

Sinabi ni Panelo na walang dapat ipag-alala sa kalagayan ni secretary Lorenzana dahil nagpa-executive checkup lang ito at walang katotohanang na-stroke ang kalihim.

Sinabi ng kalihim na nagkausap sila ni Lorenzana at masigla naman ang boses nito.

“Just an executive checkup. I just talked to him. His voice is vibrant,” ani Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na may nakatakdang biyahe sa abroad si Lorenzana at gusto lamang nitong magpa checkup muna bago ito bumiyahe.

Hindi naman masabi ni Panelo kung kailan ang biyahe sa ibang bansa ni Lorenzana.

“He wanted to have a checkup before he leaves for an official trip abroad,” dagdag pa ni Panelo.

Sa isang text message, sinabi ni Lorenzana na sumasailalim ito sa exe­cutive check-up sa Veterans Memorial Medical Center at lalabas ito sa loob ng dalawang araw.

“Hi this is SND. I am here at the veterans undergoing executive checkup. I will be out in a day or two. Thanks for your concern,” anang text message ni Lorenzana. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy